Ang Payo ni G. Robin Hemley
Image Source: USC American Corner Facebook page: https://www.facebook.com/pages/Uscamericancorner/210731735617437
Inilunsad ngayong ika-30 ng Abril 2014 ang “A Creative Writing Workshop with Robin Hemley”, isang pantas–aral sa pagsusulat, sa American Corner Cebu, Bernard Bonk Library sa University of San Carlos-Downtown Campus para sa mga mag-aaral na gustong mahasa ang kanilang abilidad sa pagsusulat na pinangunahan mismo niG. Robin Hemley. Linahukan ang nasabing aktibidad ng mga mag-aaral mula sa Department of Languages of Literature, mga miyembro ng BasaDors, Today’s Carolinian at Ang Suga, , at mga indibidwal na mahilig magsulat.
Si Hemley, ang taong nanguna sa nasabing kaganapan, ay isang Jewish-American na manunulat ng mga kathang nonfiction at fiction. Siya ang may-akda sa mga bantog na babasahin na may pamagat na “DO-OVER!” (2009), “Turning Life Into Fiction” (2006), “Extreme Fiction: Fabulists and Formalists” (2004), “Invented Eden: The Elusive, Disputed History of the Tasaday” (2003), “Nola: A Memoir of Faith, Art, and Madness” (1998), “The Big Ear” (1994), “The Last Studebaker” (1992), “All You Can Eat” (1988), at ang “The Mouse Town” (1987).
Ginawaran si Hemley ng dalawang Pushcart Prize for Fiction, Unang Puwesto sa Nelson Algren Award for Fiction na galing sa Chicago Tribune at ang Independent Press Book Award for Nonfiction dahil sa husay at galing niya sa paggawa ng mga libro.
Sa pagtitipon, nagbigay siya ng payo kung paano maging mahusay pagsulat. Payo niya sa mga manunulat na gustong linangin ang kanilang kakayahan, “All you need to become a good writer is to have these five elements: love of language, you must have an imaginative world, have a curious world, have an appetite for reading, and have an appetite for books.”
“You must sing your ideas. Do not seek validations on your own ideas,” dagdag pa ni Hemley. Natapos ang pantas-aral sa paghandog ng mga katibayan sa paglahok sa mga dumalo sa naturang kaganapan.
