Organisasyong Basadours, naglunsad ng panliteraturang seminar
Naglunsad ng seminar workshop ang Basadours, isang organisasyon sa labas ng pamantasan na naglalayong maibsan ang problema sa larangan ng literatura, na may temang “ Volunteerism, Storytelling Techniques and More”, sa University of San Carlos Downtown Campus sa American Corner noong ika-14 ng Mayo 2014.
Naging makabuluhan ang seminar workshop dahil sa mga makabagong paraan ng pagsasabi ng estorya (storytelling). Isa sa mga paraan ay ang Reading-a-Loud, Reading Along, Reading Dynamics, Puppetery, Draw and Tell, Flannel and Felt Board, Storigami, Story Bag/ Story Sack atStory Apron.
Mayroon ding mga payo kung paano maging epektibong mananalita o tagapagsalaysay ng kuwento, ayon sa isa sa mga kasapi ng Basadours. Una, kinakailangan may pamilyaridad at sanayin niya ang kuwento. Ikalawa, kailangan maging masigla at malikhain sa paggawa ng estorysa. Ikatlo, kailangan mayroong interaksyon sa mga manonood. Isa sa mga paraan ng interaksyon sa mga manonood ay ang kinakailangang eye to eye contact sa mga manonood at pagtatanong sa mga ito. Ikaapat ay ang pagiging handa sa mga interupsyong maaring mangyari. Ikalima ay kailangang marunong umayos sa mga antala at umangkop sa mga posibilidad. Ang panghuli naman ay tamasahin ang karanasan.
Naging organisasyon ang Basadours noong 2012 ng Pebrero. Ito ay mayroong 15 hanggang 20 na aktibong kasapi na boluntaryong tumutulong sa naturang organisasyon. Ang mga kasapi ng Basadours ay kinabibilangan ng mga propesyonal, estudyante na galing sa iba’t-ibang unibersidad at out-of-school youth.
Ang sabi ni Atty. Melvin Legaspi, isang Secretary General Basadours (Basa at Ambassadours), na ang pangunahing layunin ng organisasyon at kung bakit ito itinatag ay “to develop any advocacy for literacy development problems”.
Ngayong darating na Mayo 19 hanggang 24, alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng gabi sa Cebu City Public Library ay inaaanyahan ang lahat na makiisa sa gaganaping Summer Yardsale 2014 na may temang “ A fundraiser for Basadours, Storytelling Activities” para suportahan ang organisasyong Basadours.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Basadours ay puwede ninyong bisitahin ang kanilang Facebook page na fb.com/basadours, thebasadours@gmail.compara sa e-mail at puwede ring tumawag sa numero na ito: 09339317283.
