The Woman in Black: Isang Pagsusuring Pampelikula
Image Source: http://www.hammerfilms.com/uploads/00001/00001159.jpg?v=1
Kailan ba tayo huling nakakita ng mga pelikula patungkol sa mga multo na bumabalikwas mula sa pagiging mainstream? Kinukulang na sa atensyon ang mga ganitong klase ng pelikula sapagkat mas nangingibabaw sa takilya ang mga palabas na ukol sa mga bampira, zombies, o taong- lobo. Minsan ang mga kuwento ng mga ganitong klase ng pelikula ay nawawalan na ng bisa o kaya’y kinukulang ng timpla. Mga kuwentong tulad nito ay tila nakakabato dahil paulit-ulit na ang takbo ng balangkas . Pero hindi nagpadala sa agos ang pelikulang “The Woman in Black” sa mga ganitong klase ng premiso. Kung tuturingin, ang pelikulang ito ay preskong-presko at ibang-iba.
Pagkatapos gumanap ni Daniel Radcliffe bilang si Harry Potter sa isang serye ng pelikula, ibang karakter naman ang kanyang sinubukan sa pelikulang ito. Hindi karaniwan ang naging papel ni Radcliffe na gumanap bilang pangunahing bida ng palabas datapwat ang kanyang pagganap ay umani pa rin ng malawak na tagapanood.
Ang “The Woman in Black” ay isang horror na pelikula sa pangunahing direksyon ni James Watkins at isinulat ni Jane Goldman. Ang pelikula ay binase sa nobela ni Susan Hill, sa parehong pangalan. Ang pelikulang ito ay gawa ng Hammer Film Productions.
Ang kuwento ng pelikula ay umiikot sa karakter ni Radcliffe na si Arthur Kipps, isang abogado at ama. Inatasan siya na pumunta sa isang malayuan na bayan upang magsaayos ng mga abal ng isang kamakailang namatay na kliyente. Habang siya ay nakasakay ng tren patungo sa bayan, siya ang nagdadalamhati sa pagkamatay ng kanyang asawahabang isinilang ang kanilang anak.. Ang biyahe sa tren papunta sa isang malayong bayan ay nagbigaysa kanya ng oras upang mawari niya ang pagkawala ng kanyang asawa.
Binalaan si Arthur ng kanyang tagapangasiwa na gawin nang maayos ang kanyang trabaho dahil kapag hindi niya nagawa ng mabuti, ay baka siya’y itiwalag sa kanyang trabaho. Kaya nang hinarangan siya ng mga taga-layon na bumisita sa bahay ng kanyang kliyente, hindi niya pinansin ang mga pinagsasabi ng mga ito at sinubukang manirahan sa bahay nito. Ang bahay ay pwede lamang pasukan ng ilang oras kaya may pagkakataon na si Arthur ay mananatili sa bahay ng mga ilang oras. Sa una, ang pagtakas sa bahay ay madaling gawin pero nang nagsimulang nagkaroon ng mga kababalaghan sa loob ng bahay, nararamdaman ni Arthur na may kasama siya sa loob ng bahay.
Ibat-ibang mga hindi kanais-nais na mga bagay ang nangyayari sa loob ng bahay—mga laruang de motor na gumagawa ng mga nakakatakot na tunog sa loob ng alagaan ng mga bata, mga silya at mesa na gumagalaw ng kanilang sarili, at mga hindi maipaliwanag na mga karakter na gumagawa ng mga itsurang nakakatakot na nangangahulugang mayroong isang bata sa katabing bayan ay mamamatay. Nalaman agad ni Arthur kay Dailyang natatanging mabait sa bayan na iyon.Ang mga taga-nayon ay naniniwala sa babaeng nakaitim o ang “Woman in Black” kung kaya sa tingin nila na ang kanyang paghihimasok sa bahay ay nakakagambala sa babaeng multo. Sa pagdalas niyang pagbisita sa bahay, siya ay ginagambala ng babaeng multo. Hindi alam ni Arthur kung anong gagawin niya dahil ang kalaban niya ay patay na.
Ang pelikula ay pinapalibutan ng mga primerang klaseng mga artista, kabilang na sina Ciaran Hinds at Janet McTeer. Ang pelikula ay mukhang marilag pero nakakatakot at ito ay naging posible dahil sa taga-disenyo ng produksyon na si Kave Quinn at ng sinematograper na si Tim-Maurice Jones. Ang set ng “The Woman in Black” ay nakakalikha ng makalumang takot at ito’y dahil sa mga manipulasyon ng mga ilaw sa mga eksena na nakakagawa ng nakakaalog na pakiramdam para sa mga madla. Ang antigong o makalumang palidig ay nakapaglikha rin ng nakakapangilabot na mga eksena dahil hindi mo alam kung anong nasa bahay o anong kababalaghan ang mangyayari roon.
Ang ilan sa mga nakakatakot na mga eksena ay mahuhulaan mo ang susunod na mangyayari. Medyo kakaiba parin, para sa mga manonood, na makita si Radcliffe na gumaganap bilang isang ama sa isang bata. Pero nagawan ng paraan ng direktor na si James Watkins at ng tagasulat ng senaryo na si Jane Goldman na lumikha ng nakakatakot na kapaligiran upang mabihag ang atensyon ng madla sa makalumang mundo na puno ng mapamauhiin na taga-layon at makamulto na mga pangyayari. Dahilang biktima ng multo ay mga bata, ito’y nagpaigting ng tensyon at gulat sa mga eksena ng pelikula.
Sa mga gustong manood ng pelikula, suriin ang inyong paligid, tignan ng mabuti ang ilalim ng inyong kama at buksan lahat ng mga ilaw,baka hindi mo magawang matulog ng mahimbing ng mga ilang araw

